Thursday 6 June 2013

20 BIR EMPLOYEES, TAX EVADERS, COVER UP? WHITE WASH?


20 BIR EMPLOYEES, TAX EVADERS, Cover-up? White Wash?

Katulad na katulad or identical sa mga circumstances and nakalap na evidences sa impeachment ng isang dating Justice ang mga prima facie documents and papers ng 20 BIR high ranking officers and employees.

Si Justice, kinasuhan ng tax evasion...Iyong 20 BIR Employees, prinomote at tinaasan ng sahod, oooppps, mali....hindi sahod.... correction... sweldo pala...Sorry ha!

Ang mga SALN o statement of assets, liabilities and networks nitong dalawapung highly protected BIR employees ay may malaking discrepancy sa kanila tunay na assets, liabilities and networks...Si DOF-RIPS na nga ang nagbigay ng evidences pero parang.... wala lang... dedma...di nakita....

Bakit hindi sila kasuhan ng tax evasion?
Takot ba sila na kasuhan ang kanilang kabaro?
Baka daw makabistuhan at sumingaw ang bulok at mabahong kasinungalingan na matagal ng itinatago?

Matagal ng nag-iintay ang taong bayan na
makarinig,
makakita,
makabalita,
makaranas,
na ang ilang BIR Employees ay hindi immune sa TAX EVASION CHARGES....

Hot na hot ito kung hindi lang madalas ang malfeasance, misfeasance, nonfeasance o MIND...Malfeasance, Incompetence, Negligence, Delinquency sa inside, back, front at side ng BIR operations......

Katax.ETM ...sawa na ... tinik sa dibdib... takot sa isip... tinanggap na.....tinanggal na.... lalabanan na ang kurap at kurapsiyon sa loob at labas ng BIR... gustong gusto na.... lumaya ..... sumaya..... maging mapayapa ang dibdib at isip sa blackmailing, bullying, bluffing, BIR...

Magsanib puwersa na tayo.. Mas marami.. May boses..Pinakikinggan... Sumali sa Taxpayer Club...

Balintawak event, June 28, 2013 .. To attend, please see the post "BIR, BRIBING, BAD"

Katax.ETM-mobile 0922 801 0922
Salamat po.

No comments:

Post a Comment